Skip to main content

TOP News 🌍

PAG BANGGA, NG CHINESE MILITIA VESSELS SA RESUPPLY BOAT AT PHILIPPINE COAST GUARD VESSELS

  WEST PHILIPPINE SEA,  Sa pinakabagong misyon ng pagpapalitan at pag-a-suplay, nagdala ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas ng mahahalagang materyales para sa pag-aayos at pagmamantini ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ipinahayag ang impormasyong ito ni Colonel Medel Aguilar, tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), sa isang press conference na ginanap sa Lungsod ng Quezon noong Lunes kasama ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas. Kaniya ring ipinaabot sa mga reporter na wala nang kailangang detalye, ngunit sa halip, ang pangunahing layunin ay tiyakin ang lahat na ang mga pagsusumikap na ito ay para lamang sa pagmamantini ng sasakyang pandagat. Tinukoy ni Aguilar na ang mga materyales ay pangunahing para sa pagmamantini at pag-aayos ng pasilidad at sasakyang pandagat. Noong Linggo, nagkasalpukan ang mga barkong Tsino sa isang sasakyang pang-suplay na kontratado ng AFP at isang barko ng Philippine Coast Guard, na nagdulot ng pinsala sa dalawang sasakyang patungo sa BRP

FAQ SA SAP 2nd TRANCHE AT ADDITIONAL 5M BENIFECIARIES



#FOLLOW & SUBSCRIBED
Antipolo City Magazine 2020







PANGALAWANG BAHAGI NG SAP (SECOND TRANCHE)

  1. 1. Sino-sino ang maaring makatatanggap ng pangalawang bahagi ng ayuda (2nd tranche) sa ilalim ng SAP na ipinatutupad ng DSWD?
Maari lamang makatanggap ng pangalawang bahagi ayuda kung:
  1. a. Kabilang sa nabigyan ng ayuda sa unang bahagi ng programa at
  • ● Base sa balidasyon na ginawa ng DSWD, ikaw ay (i) kabilang sa mga kwalipikadong pamilya sa programa, at (ii) walang duplikasyon sa pagbibigay ng ayuda mula sa iba pang ibang ahensya ng pamahalaan (MC 9 Series of 2020, Section VIIIB6), at
  • ● Ang iyong lugar ay kabilang sa naitalagang bibigyan ng pangalawang bahagi ng ayuda base sa kasulatan galing sa tanggapan ng pangulo.
  • b. Kabilang sa karagdagang 5 milyong benepisyaryo ng SAP (waitlisted o leftout) base sa isusumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD at alinsunod sa magiging alituntunin patungkol sa nasabing karagdagang benepisyaryo.







  1. 2. Anu-ano ang mga lugar na kasama sa makatatanggap ng pangalawang bahagi ng ayuda (2nd tranche)?
  • a. Mga lugar na kabilang sa nabigyan sa unang bahagi ng ayuda kabilang ang mga sumusunod:
  • • NCR; Region III (except Aurora); Region IV-A; Benguet; Pangasinan; Iloilo; Cebu Province; Bacolod City; at Davao City (base sa ECQ Areas per EO No. 112, S. 2020  dated  01 May 2020)
  • • Albay Province; at Zamboanga City (base sa ECQ Areas per Memo of Executive Secretary dated 02 May 2020)
  • b. Mga lugar o rehiyon na nagsumite ng karagdangang listahan may kwalipikadong benebisyaryo na kabilang sa karagdagang 5 Milyong benepisyaryo ng SAP (waitlisted o leftout)
  1. 3. Ilang pamilya ang inaasahang makatatanggap ng pangalawang bahagi ng pamimigay ayuda (2nd tranche)?
Tinatayang nasa 13.5 milyong pamilya ang makatatanggap sa second tranche kabilang ang mga sumusunod:
  • a. 8.5 milyong pamilya na kabilang sa 18 milyon na naunang nabigyan ng ayuda; at
  • b. 5 milyong pamilya na kabilang sa karagdagang benepisyaryo mula sa lahat ng rehiyon.
  1. 4. Kailan magsisimula ang SAP second tranche?










Inaasahang magsisimula ang pamimigay ng second tranche sa Hunyo pagkatapos maisagawa ang mga sumusunod:
  • a. Pagsusumite ng lokal na pamahalaan ng listahan ng mga nakatanggap ng ayuda sa first tranche at listahan ng mga karagdagang kwalipikadong pamilya  ng benepisyaryo; at
  • b. Pagsasagawa ng balidasyon ng DSWD kung ang mga nakatanggap ng ayuda at karagdagang maaring tumanggap ng ayuda ay karapat dapat base sa itinalagang alintuntunin at hindi tumanggap ng iba pang ayuda mula sa ibang ahensya ng pamahalaan.
  1. 5. Sa lugar lamang ba na nasa ilalim ng ECQ ang mabibigyan ng ikalawang bugso ng ayuda?
Base sa “Bayanihan to Heal as One Act” at sa mga umiirial na panuntunan, ang pagbibigay ng ayuda ay para sa mga kwalipikadong pamilya na nasa ilalim ng ECQ. (Republic Act No. 11469; MC 9, Series of 2020).
Inanunsyo rin ng tagapagsalita ng Pangulo na ang mga kwalipikadong pamilya lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ ang mabibigyan ng ikalawang bugso o bahagi ng SAP. Inaantabayanan lamang ng DSWD ang opisyal na kasulatan patungkol dito (May virtual presser).
  1. 6. Anong ahensya ng pamahalan ang mamahagi  ng pangalawang bugso ng ayuda sa ilalim ng SAP?
Ang DSWD katuwang ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mamamahagi ng pangalawang bugso ng ayuda sa ilalim ng SAP alinsunod sa kutusan ng Pangulo.
  1. 7. Saan gagamitin ang ayuda na isinauli mula sa mga hindi kwalipikadong pamilya na nakatanggap ng  first tranche?
Ang mga isinauling pera ay gagamitin o ipapamahagi para sa mga kwalipikadong pamilya sa second tranche.
  1. 8. Ang sabi ng LGU, sa DSWD daw nanggaling ang listahan ng mga beneficiaries kaya madami ang hindi nakasama.  Totoo ba ito?
Hindi, ang LGUs ang gumagawa ng listahan ng mga benepisyaryo base sa kanilang assessment ng mga pamilyang kwalipikado sa programa. Bagamat nagbibigay ang DSWD ng listahan ng mga mahihirap hango sa listahan ng mga Tahanang Nangangailangan o Listahanan database ng ahensya, ito ay batayan lamang ng mga posibleng benepisyaryo na isasailalim pa din sa hiwalay na pagsusuri ng LGUs (MC 7, Series of 2020, Section C at MC 8, Series of 2020).
  1. 9. Awtomatiko bang makatatanggap sa second tranche ng ayuda kung kasama na sa naisumiteng listahan ng lokal na pahalaan sa DSWD Field Office?
Hindi, magkakaroon pa muna ng balidasyon kung kwalipikado ang mga nasa listahan na naisumite ng lokal na pamahalaan.
  1. 10. Paano malalaman na hindi kwalipikado sa ayuda ang mga naisumiteng pangalan ng pamahalaang lokal para sa wailisted/left-out/additional na benepisyaryo?
Maglalathala ang barangay  ng listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng SAP (MC 9 Series of 2020, Section X). Maari ding lumapit at magtanong sa Provincial/City/Municipal Social Welfare Development Office (P/C/MSWDO) na silang nagsumite ng listahan sa DSWD para sa wailisted/lestout/additional na benepisyaryo.
  1. 11. Kung nakabalik na sa kanilang bayan o lugar ang mga dating na stranded, makakakuha pa din ba sila ng ayuda?
Maaaring mapabilang sa bibigyan ng ayuda para sa second tranche kung mapatunayan na kasama ang pamilya nito sa kwalipikadong pamilya sa ilalim ng programa na hindi napabilang (left-out o waitlisted) sa unang bugso ng ayuda. Ang assessment ng kwalipikasyon sa SAP ay per pamilya at hindi indibidwal.
  1. 12. Requirement po ba ang SAC sa 2nd tranche? Paano kung kinuha ng barangay ang kopya ko?
Kailangan po ang SAC upang makapagrehistro sa ReliefAgad app na isa sa mga pamamaraan upang makakuha ng second tranche para sa mga kwalipikadong pamilya. Mangyaring makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan para sa kopya ng inyong SAC form
5 MILYONG KARAGDAGANG BENEPISYARYO NG SAP








  1. 13. Paano ang mga kwalipikadong pamilyang hindi nakasamma sa first trache ng SAP?

Makakasama sa second tranche ang mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa first tranche ng SAP (waitlisted/leftout/additional beneficiaries) base sa isinumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD.
  1. 14. Ano ang basehan sa 5 milyong karagdagang benepisyaryo na makatatanggap ng ayuda sa ilalim ng SAP?
Ang karagdagang benepisyaryo ay base sa isusumiteng listahan ng lokal na pamahalaan sa DSWD. Matatandaan na nagkaroon ng Appeal System ang DSWD kung  saan  inatasang magpasa ang lokal na pamahalaan ng listahan ng mga wailisted/lleft out o mga kwalipikadong pamilya na hindi nakasama sa mga naunang nabigyan ng SAP sa kanilang mga lugar. Ang listahan na ito ay maaring gamitinpara sa pagbibigay ng ayuda para sa karagdagang 5 milyon na pamilya.
  1. 15. Ilang buwan ang matatanggap na ayuda  ng 5 milyong karagdagang benepisyaryo sa ilalim ng SAP?
  • a. Nasa 3.5 milyon sa 5 milyong benepisyaryo ay makatanggap ng ayuda na katumbas ng dalawang buwan (P5,000 – 8,000 x 2 months). Sila ang mga benepisyaryo na kabilang sa ECQ areas alinsunod sa EO No. 112, S. 2020 dated  01 May 2020 at Memo of Executive Secretary dated 02 May 2020.



  • b. Ang natitirang 1.5 milyon ay makatatanggap ng ayuda na katumbas ng isang buwan (P5,000 – P8,000

MGA IMPORTANTENG IMPORMASYON NA DAPAT MALAMAN NG NA LAHAT UKOL SA 2ND TRANCHE NG SAP.


Comments

Popular posts from this blog

SINO BA SI MAYORA ANDENG YNARES?

Antipolo City Magazine 2020 SINO BA SI MAYORA ANDENG YNARES? PARA SA KALAMAN NG LAHAT Si Andrea Ynares ay isang politiko.  Sya ang kasalukuyang naglilingkod bilang alkalde ng Lungsod ng Antipolo sa Lalawigan ng Rizal.  Sa halalan noong Mayo 13, 2019, tumakbo siya sa ilalim ng banner ng Nationalist People's Coalition (NPC) na walang kalaban. ● PERSONAL NA IMPORMASYON Kumpletong Pangalan - Andrea Bautista Ynares Palayaw - Andeng Hometown - Antipolo City, Rizal, Philippines ● PAMILYA Father - Dating Action Star at Senador Ramon Revilla Sr. Mother - Azucena Mortel Bautista Biyenan - Gobernador Rebecca "Nini" Ynares (Mga) magkakapatid - Senador at Aktor na si Ramon "Bong" Revilla Jr. Spouse - Dating Gobernador ng Rizal at Alkalde ng Antipolo na si Dr. Casimiro “Jun” A. Ynares III Daughters   - Cassa at Via  * Noong 2012, si Andrea Ynares ay nawalan ng walong buwang gulang na anak sa kanyang sinapupunan.  Pinangalanan niya ang bata na Audrey Anne na dapat ay kan

( PALM READER ) LUCK FOR THOSE WHO HAVE "M" IN THERE PALM

( PALM READER ) LUCKY FOR THOSE WHO HAVE "M" IN THEIR PALM   Palm reading is an ancient art originated in India from Hindu astrology several thousand years ago. This form of fortune-telling was first mentioned in the Chinese book the I Ching. With that being said, will you look at your palm and see if you have these lines that shapes like letter M. If you have, you are so special than others. This is why! Ang pagbabasa ng palma ay isang sinaunang sining na nagmula sa India mula sa astrolohiya sa Hindu ilang libong taon na ang nakalilipas.  Ang ganitong uri ng kapalaran ay unang nabanggit sa akdang Tsino na I Ching. Sa nasabing iyon, titingnan mo ba ang iyong palad at makikita kung mayroon kang mga linyang ito na hugis tulad ng letrang M. Kung mayroon ka, napakahusay mo kaysa sa iba.  Ito ang dahilan kung bakit! Palm readers usually base their predictions and information on the shapes they find in the person's palm. Most of them pay attention to the three main lines th

DSWD Extends SLP Cash aid to Sari-sari stores and Micro rice retailers.

DSWD SECRETARY: Rex Gatchalian   The Department of Social Welfare and Development ( DSWD ) is actively disbursing cash aid to sari-sari store owners and micro rice retailers as part of their commitment to support businesses affected by the rice price ceiling implemented nationwide. This initiative is in direct response to President Ferdinand R. Marcos Jr.'s directive to DSWD Secretary Rex Gatchalian, urging assistance for small business owners grappling with losses due to the implementation of Executive Order No. 39 in 2023. The distribution of cash assistance is concurrently taking place in the Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region ( CAR ), and MIMAROPA Region. Over 800 small-scale business owners involved in rice trading and selling are benefiting from the Sustainable Livelihood Program ( SLP )-cash aid. Within the CAR, 116 rice retailers and sari-sari store owners from various provinces are expected to receive SLP-cash assistance. Additionally, in Marinduque,