Antipolo Magazine 2020 U.S Defense Higher Officials Sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon, nagkaroon ng biglaang pakikipagpulong si Ferdinand R. Marcos Jr. sa matataas na opisyal ng depensa ng Estados Unidos sa New York City. Dahil dito, marami ang nagtatanong kung ano ang tunay na layunin ng naturang pulong—simpleng pagpapalakas lamang ba ito ng ugnayang militar, o bahagi na ng mas malaking paghahanda sakaling lumala ang sitwasyon sa Indo-Pacific? Habang patuloy ang kooperasyon ng Armed Forces of the Philippines at ng militar ng U.S. sa mga joint exercises tulad ng Exercise Balikatan, hindi maiwasang itanong ng ilan: **handa na ba ang Pilipinas sa anumang posibleng mangyari sa rehiyon?
𝐄𝐬𝐜𝐮𝐝𝐞𝐫𝐨 𝐚𝐭 𝐑𝐨𝐦𝐮𝐚𝐥𝐝𝐞𝐳 𝐏𝐨𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨? 𝐅𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐨𝐥 𝐀𝐧𝐨𝐦𝐚𝐥𝐲 𝐈𝐭𝐢𝐧𝐮𝐭𝐮𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐡𝐢 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐮𝐩 𝐑𝐮𝐦𝐨𝐫𝐬
Antipolo Magazine 2020 Kumakalat ang usap-usapan tungkol sa posibleng kudeta sa liderato ng Senado at Kamara, kasabay ng pag-alingasaw ng umano’y iregularidad sa mga flood control projects na nagdudulot ng kontrobersya sa Kongreso. Ayon sa isang source, nakararamdam umano ng pangamba ang ilang mambabatas laban kina Senate President Francis “Chiz” Escudero at House Speaker Martin Romualdez. Pinaniniwalaan ng ilan na hindi sapat ang naging tugon ng dalawang lider upang mapahupa ang epekto ng naturang isyu. Bumaba ang tiwala sa liderato nina Escudero at Romualdez dahil sa kontrobersiya. Naniniwala ang ilang mambabatas na mas maayos sana ang naging pamamalakad nila sa isyu,” ayon sa isang source. Sa Kamara naman, kumakalat ang usap-usapan na maaaring maagaw ang puwesto ni Romualdez bilang Speaker. Kabilang sa mga binabanggit na posibleng kapalit ay ang kanyang pamangkin na si House Majority Leader Sandro Marcos, gayundin si Bacolod Rep. Albee Benitez, na dati nang lumutang bilang isa sa mg...