Antipolo Magazine 2020 Kumakalat ang usap-usapan tungkol sa posibleng kudeta sa liderato ng Senado at Kamara, kasabay ng pag-alingasaw ng umano’y iregularidad sa mga flood control projects na nagdudulot ng kontrobersya sa Kongreso. Ayon sa isang source, nakararamdam umano ng pangamba ang ilang mambabatas laban kina Senate President Francis “Chiz” Escudero at House Speaker Martin Romualdez. Pinaniniwalaan ng ilan na hindi sapat ang naging tugon ng dalawang lider upang mapahupa ang epekto ng naturang isyu. Bumaba ang tiwala sa liderato nina Escudero at Romualdez dahil sa kontrobersiya. Naniniwala ang ilang mambabatas na mas maayos sana ang naging pamamalakad nila sa isyu,” ayon sa isang source. Sa Kamara naman, kumakalat ang usap-usapan na maaaring maagaw ang puwesto ni Romualdez bilang Speaker. Kabilang sa mga binabanggit na posibleng kapalit ay ang kanyang pamangkin na si House Majority Leader Sandro Marcos, gayundin si Bacolod Rep. Albee Benitez, na dati nang lumutang bilang isa sa mg...
Antipolo Magazine 2020
Flood control projects only in (Davao)
Isang flood control project sa Davao City ang umani ng papuri sa social media matapos mapansin ang maayos na pagkakagawa nito kumpara sa ilang proyektong tinutuligsa sa ibang lugar.
Sa mga larawang ibinahagi online, makikita ang maayos na disenyo at matibay na materyales na ginamit sa nasabing proyekto. Dahil dito, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga at nagsabing dapat itong maging modelo para sa iba pang imprastraktura sa bansa.
Sa gitna ng mga isyu at reklamo tungkol sa ilang flood control projects, ang proyekto sa Davao City ay tinitingnan ng ilan bilang halimbawa ng maayos at tapat na paggamit ng pondo ng bayan.
“Sana lahat ng proyekto ganito—maayos, kapaki-pakinabang, at sulit sa pondo,” ayon sa isang komento online.
Patuloy ang pagbuhos ng positibong reaksyon, at marami ang nananawagan na tularan ng ibang lokal na pamahalaan at mga ahensya ang ipinakitang kalidad at pagiging bukas ng Davao City sa ganitong uri ng proyekto.
May mga kritiko ng mga Duterte mula sa House of Representatives, gaya ni Abante, na nagsasabing hindi umano maayos ang paggamit ng pondo para sa ilang flood control projects sa Davao.
Davao River Esplanade Phase 1 (Ecoland Segment)
Comments
Post a Comment
Ang iyong komento!.