Antipolo Magazine 2020 Kumakalat ang usap-usapan tungkol sa posibleng kudeta sa liderato ng Senado at Kamara, kasabay ng pag-alingasaw ng umano’y iregularidad sa mga flood control projects na nagdudulot ng kontrobersya sa Kongreso. Ayon sa isang source, nakararamdam umano ng pangamba ang ilang mambabatas laban kina Senate President Francis “Chiz” Escudero at House Speaker Martin Romualdez. Pinaniniwalaan ng ilan na hindi sapat ang naging tugon ng dalawang lider upang mapahupa ang epekto ng naturang isyu. Bumaba ang tiwala sa liderato nina Escudero at Romualdez dahil sa kontrobersiya. Naniniwala ang ilang mambabatas na mas maayos sana ang naging pamamalakad nila sa isyu,” ayon sa isang source. Sa Kamara naman, kumakalat ang usap-usapan na maaaring maagaw ang puwesto ni Romualdez bilang Speaker. Kabilang sa mga binabanggit na posibleng kapalit ay ang kanyang pamangkin na si House Majority Leader Sandro Marcos, gayundin si Bacolod Rep. Albee Benitez, na dati nang lumutang bilang isa sa mg...
𝐄𝐬𝐜𝐮𝐝𝐞𝐫𝐨 𝐚𝐭 𝐑𝐨𝐦𝐮𝐚𝐥𝐝𝐞𝐳 𝐏𝐨𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐰𝐞𝐬𝐭𝐨? 𝐅𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐨𝐥 𝐀𝐧𝐨𝐦𝐚𝐥𝐲 𝐈𝐭𝐢𝐧𝐮𝐭𝐮𝐫𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐡𝐢 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐮𝐩 𝐑𝐮𝐦𝐨𝐫𝐬
Antipolo Magazine 2020
Kumakalat ang usap-usapan tungkol sa posibleng kudeta sa liderato ng Senado at Kamara, kasabay ng pag-alingasaw ng umano’y iregularidad sa mga flood control projects na nagdudulot ng kontrobersya sa Kongreso.
Ayon sa isang source, nakararamdam umano ng pangamba ang ilang mambabatas laban kina Senate President Francis “Chiz” Escudero at House Speaker Martin Romualdez. Pinaniniwalaan ng ilan na hindi sapat ang naging tugon ng dalawang lider upang mapahupa ang epekto ng naturang isyu.
Bumaba ang tiwala sa liderato nina Escudero at Romualdez dahil sa kontrobersiya. Naniniwala ang ilang mambabatas na mas maayos sana ang naging pamamalakad nila sa isyu,” ayon sa isang source.
Sa Kamara naman, kumakalat ang usap-usapan na maaaring maagaw ang puwesto ni Romualdez bilang Speaker. Kabilang sa mga binabanggit na posibleng kapalit ay ang kanyang pamangkin na si House Majority Leader Sandro Marcos, gayundin si Bacolod Rep. Albee Benitez, na dati nang lumutang bilang isa sa mga hamon sa posisyon.
Hindi rin ligtas ang Senado sa mga usap-usapan. Kumakalat ang balitang maaaring planuhin ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang pagbabalik upang muling angkinin ang dating puwesto. Isa pang pangalan na lumulutang ay si Senador Alan Peter Cayetano, dating House Speaker sa ilalim ng administrasyong Duterte, na maaaring tumaya para sa pagka-Senate President.
Sa kabila nito, kapwa nanatili sa kanilang posisyon sina Romualdez at Escudero nang magbukas ang Ika-20 Kongreso noong Hulyo, kahit pa may mga hinuha ng pagbabago sa liderato na inuugnay sa tinawag ng mga kritiko na “pinaka-corrupt” na budget sa kasaysayan. Ang legalidad ng nasabing badyet—ang pambansang budget para sa 2025—ay kasalukuyang kinukuwestiyon sa Korte Suprema.
Lalong nagpagatong sa maiinit na usap-usapan hinggil sa posibleng pagbabago ng liderato sa Kamara at Senado ang matinding pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Sabado (Setyembre 6).
Sa kanyang talumpati, inakusahan niya ang ilang kongresista na sinusubukang “isangla sa Ehekutibo ang kanilang sariling pagkakasangkot sa katiwalian at pagkukulang.”

Comments
Post a Comment
Ang iyong komento!.