Sa patuloy na pagtutulungan ng DSWD NCR at Local Government Unit ng Parañaque para sa patuloy na implementasyon ng Emergency Subsidy Program - Social Amelioration Program sa ilalim ng Bayanihan 2, mayroong siyam na raan at tatlumpu't tatlong (930) kwalipikadong benepisyaryo na mula sa iba't ibang Barangay ng Lungsod na nakatanggap ng ayuda.
Ang Bayanihan to Recover as One Act o Republic Act No. 11494, ay ang batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siyang nagsasaad ng kabuoang inisyatibi ng gobyerno sa patuloy na pagtugon sa unti-unting pagbangon mula sa pandemyang sanhi ng COVID-19.
Comments
Post a Comment
Ang iyong komento!.