Antipolo Magazine 2020 Updated: July 18, 2025 Source: DOST-PAGASA Ang Bagyong Crising ay patuloy na gumagalaw sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), at kasalukuyang nagdadala ng malalakas na pag-ulan, malalakas na hangin, at storm surge risk sa ilang baybaying lalawigan sa Luzon at Palawan. Ayon sa pinakahuling ulat ng DOST-PAGASA, posibleng makaranas ng matinding lagay ng panahon sa susunod na 24 hanggang 48 oras, kaya mahalagang manatiling alerto at handa ang bawat isa. Mga Lugar na Maaaring Maapektuhan: √ Cagayan √ Isabela √ Ilocos Norte √ Pangasinan √ Palawan (especially coastal municipalities) Tinatayang Damaging Effects: 🌧 Ulan: 100–200mm sa ilang lugar — posibleng magdulot ng flash floods at landslides. 🌊 Storm Surge: 1–2 meters sa mga baybaying dagat. 💨 Hangin : Malalakas na bugso na pwedeng makasira ng bubong o mga puno. Ano ang Dapat Gawin? ✅ Makinig sa opisyal na updates. ✅ Ihanda ang emergency supplies: tubig, pagkain, flashlight, radyo, baterya, gamot,...
Antipolo Magazine 2020
- Biktima Ka Ba ng Workplace Bullying? Alamin ang Karapatan Mo!
Ano ang Bullying?
Ang bullying ay isang paulit-ulit na pananakit—pisikal man, mental, emosyonal, o online—na ginagawa ng isang tao o grupo sa iba para sila’y masaktan, matakot, o mawalan ng kumpiyansa sa sarili. Hindi ito simpleng asaran lang. Ang epekto nito ay pangmatagalan at minsan, maaaring magdulot ng depresyon, anxiety, o mas malalang problema sa mental health.
Mga Uri ng Bullying:
Physical Bullying – Sinaktan, tinulak, sinabunutan, o anumang uri ng pananakit ng katawan.
Verbal Bullying – Pangungutya, panlalait, pagpapahiya gamit ang salita.
Social/Relational Bullying – Paninira ng reputasyon, exclusion sa grupo, chismis.
Cyberbullying – Paninira gamit ang social media, text, o online posts.
Mga Senyales na Biktima ng Bullying ang Isang Tao:
• Ayaw pumasok sa school o work.
• Biglang tahimik o malungkot.
• May mga pasa o sugat na hindi maipaliwanag.
• Nawawala ang gamit o sirang gamit.
• Nagkakaroon ng pagbabago sa pagkain o tulog.
______________________________
Bakit Dapat Itigil ang Bullying?
Ang bullying ay hindi lang nakakasakit, ito ay krimen sa maraming pagkakataon. Sa Pilipinas, may batas na pumoprotekta sa mga estudyante tulad ng Republic Act No. 10627 o Anti-Bullying Act of 2013. Importante ang suporta ng pamilya, guro, at komunidad upang matigil ito.
______________________________
Comments
Post a Comment
Ang iyong komento!.