Antipolo Magazine 2020 Kumakalat ang usap-usapan tungkol sa posibleng kudeta sa liderato ng Senado at Kamara, kasabay ng pag-alingasaw ng umano’y iregularidad sa mga flood control projects na nagdudulot ng kontrobersya sa Kongreso. Ayon sa isang source, nakararamdam umano ng pangamba ang ilang mambabatas laban kina Senate President Francis “Chiz” Escudero at House Speaker Martin Romualdez. Pinaniniwalaan ng ilan na hindi sapat ang naging tugon ng dalawang lider upang mapahupa ang epekto ng naturang isyu. Bumaba ang tiwala sa liderato nina Escudero at Romualdez dahil sa kontrobersiya. Naniniwala ang ilang mambabatas na mas maayos sana ang naging pamamalakad nila sa isyu,” ayon sa isang source. Sa Kamara naman, kumakalat ang usap-usapan na maaaring maagaw ang puwesto ni Romualdez bilang Speaker. Kabilang sa mga binabanggit na posibleng kapalit ay ang kanyang pamangkin na si House Majority Leader Sandro Marcos, gayundin si Bacolod Rep. Albee Benitez, na dati nang lumutang bilang isa sa mg...
Antipolo Magazine 2020
Hindi lahat ng pautang ay pare-pareho—may mga loan na bagay para sa negosyo, meron namang para sa emergency, edukasyon, o personal na gastos. Kaya mahalagang malaman kung paano pumili ng tamang uri ng pautang ayon sa iyong sitwasyon.
Narito ang ilang dapat isaalang-alang bago ka umutang:
• Layunin ng Pagkakautang
Bago ka mag-apply ng loan, tanungin mo muna ang sarili mo kung para saan ito.
Pang-emergency? Mas mainam ang salary loan gaya ng sa SSS o Pag-IBIG.
Pambayad ng utang? Piliin ang consolidation loan para mas manageable ang bayarin.
Pangnegosyo? Hanap ka ng microfinance loan mula sa DTI, CARD Bank, o mga kooperatiba.
Pangkabuhayan? May livelihood loan programs ang DSWD at LGUs.
Emergency? Personal needs? Business? Piliin ang loan na tugma sa gamit mo.
Halimbawa: Medical emergency – SSS o Pag-IBIG; Business – government microfinance.
• Interest Rate at Terms
Laging i-compare ang interest rate at terms ng bawat loan.
-
Mas mababang interest, mas magaan sa bayarin.
-
Alamin kung fixed o variable ang interest para hindi ka mabigla sa monthly dues.
-
Mas maikli ang term, mas malaki ang hulog pero mas kaunting interest.
Mas mababa, mas magaan sa bulsa.
I-check kung fixed o variable ang interest.
• Kakayahang Magbayad
Wag basta umutang kung wala kang malinaw na plano kung paano ito babayaran.
-
Siguraduhin na pasok sa budget mo ang buwanang hulog.
-
Iwasang umutang ng higit sa kaya mong bayaran kahit pa madali itong ma-approve.
Comments
Post a Comment
Ang iyong komento!.